Monday, August 27, 2012

"Ang Babae sa Septik Tank" by Marlon N. Rivera



Ang pelikulang “Ang Babae sa Septik Tank ” ay nagsasalamin sa kung papaano ginagawa ang isang typical na independent film. Ito ay isang istorya ng isang magkakaibigan na minsang nangarap sa paggawa ng isang dekalidad at kakaibang peilikula.  Ang istorya ay umiikot sa unang mga ideya ng director unang pinapakita kung anong gusto niyang mangyari sa pelikula na sa aking palagay ay nagpapakita ng mga ideya na gamit na at patuloy pang ginagamit sa mga pelikula dahil sa pagaakalang bentang benta ito sa publiko.

            Dahil sa pelikulang ito namulat ang mga manunuod kung ano talaga ang nangyayari sa pagagawa ng isang idenpendent film at kung gaano kahirap ang bumuo nito lalo na kung wala kang sapat na perang puhunan para sa sarili mong pelikula. Ang bawat pag pagkokonsepto dapat na pinagiisipan ng maayos at detalyado upang magamit ito ng tama at mailabas ang gusto nitong iparating sa publiko. Nakikita sa pelikula na gumamit sila ng mga eksena na gamit na gamit na nang madameng pelikula at palabas tulad na lamang ng ang pang una sa lahat ay ang kahirapan. Pangalawa ang pagbebenta ng sariling anak dahil sa walang makain, pangatlo ang pag kakanta habang nasa isang eksena ng pelikula. Ang mga ito ay ilan lamang sa mga halimbawa ng mga istorya na palagi na lamang nagagamit sa madameng pelikula. Ang isang paborito kong eksena sa pelikula ay ang pagkuha nila kay Ms. Eugene Domingo bilangmaging bida sa kainilang pelikula. Nakakatuwa na napapagiba-iba niya ang mga pag arte sa pelikula, teleserye at indie film. Sa huli sabe sa pelikulang ito na mas gusto ng mga indie film director ay ang pagarte nang natural at hindi mo na kailangan pang umarte. Ipinakikita din dito na mahirap ngunit swerte ang pagtanggap ng isang sikat na artista kung siya ay gumanap sa isang indie film.

            Ang pelikulang “Ang Babae sa Septik Tank” ay isa lamang sa mga inspirasyon ng karamihan upang mapatunayan na malayo ang nararating ng isang independent film. Ang pagkasulat sa pelikung ito ay talaga nanamang nakakatuwa at kaakit-akit sa mga manunuod na tiyak na hindi makakalimutan. Hindi na nakapagtataka kung ito ay namamayagpag sa ib’t iabngparte ng mundo ngayon at nakasali sa mga film festival. Ang pelikulang ito ay nakapgpagtawa at nakaenganyo sa tulad naming mga estudyante na nangangarap din na gumawa ng isang kakaiba at dekalida na pelikula bawat araw. Sa aking opinion ang panunuod ng sari saring mga indie film ay nag nagpapatibay at nagpapalawak ng kaisipan naming mga estudyante na gagawa din ng ingay pagdating ng panahon. 

No comments:

Post a Comment